September 2, 2011
  • barya

    Eksena pagsakay ko sa tricycle…

     

    Nagbayad ako ng eight pesos at fifty centavos na takdang pamasahe sa tricycle sa lugar namin. Iniabot ko ito sa driver. Binalik ba naman ng driver sa akin yung fifty centavos… kasi naman ito ay limang dyes sentimos na naka-tape para madaling bilangin.

     

    Ako: bakit po?

    Tricycle driver: di na tinatanggap yan, di naman pera yan e

    Ako: bakit pera din naman ito ah

    Tricycle driver: pang grocery lang iyan eh, kung beinte singko yun pera pa yun

    Ako: [sa isip ko lang] nyek? Sa lagay di na pera ang diyes at singko na barya? Okay, otso lang ang pamasahe ko haha

     

    Oo alam ko na madalas ngayon sa groceries at mga convenience stores nalang talagang tinatanggap ang baryang diyes, singko at beinte singko sentimos pero pera naman talaga sila diba? Smallest denomination ng Philippine Peso. Pambayad ng eksakto. Kaya dapat kahit sino tumatanggap ng ganitong halaga lalo na kung ganitong halaga din ang hinihingi nila… kayo ginagamit nyo ba ang mga baryang nabanggit ko? O nagsisilbi na lang silang paper weight sa desk nyo o iniipon sa garapon o baso?

  • Notes For This Post:

    1. jackiebaluca posted this


Comments



blog comments powered by Disqus