July 20, 2011
  • hey friends

    may bigla lang ako naalala… nung nagsisimula pa lang ako magtrabaho kahit akin lang ang sweldo ko minsan kinukulang pa din ang budget ko pero nakakagimick pa din ako.

    naalala ko din yung mga dati kong officemates miss ko na kayo! di pa ako napopromote noon. simple lang ang buhay noon… wala pa din akong cellphone noon kahit nagtatrabaho nako o diba. papasok, magtatrabaho (enjoy lang sa pag-edit ng images using photoshop), pag breaktime magkakasabay kami lahat (lahat kami sa isang mahabang mesa masaya), pagkatapos ng walong oras sa office uuwi kami ng magkakasabay. kami ng mga kasabay ko lalo na kapag galing sa night shift sasakay kami sa jeep na LRT/Baclaran tapos halos sa ilalim na ng Baclaran station ng LRT kami bumababa ng jeep kasi di pa ganoon kadami nakaharang na mga tindera at tindero at stalls doon sa Baclaran noon eh ngayon sobrang layo na ng bababaan mo sobrang layo pa ng lalakarin mo halos sagasaan ka pa ng mga walang pakialam na mga pedicab driver na di gumagamit ng busina kundi sipol. Tapos maglalakad kami papuntang MRT. yun ang araw araw naming routine.

    may mga araw naman na kapag naisipan gumimik eto na pagkalabas sa trabaho, diretso sa Coastal Mall at magbobowling o kaya naman billiards. naalala ko din may mga araw na napapatambay pako sa bandang Las Piñas (take note: nakatira ako sa Quezon City!) kasi naglalaro kami ng billiards ng mga kumare ko doon—puro dalaga pa kami noon hehehe ngayon bilang na lang ang walang asawa sa amin. minsan naman sa bar sa Coastal Mall o kaya sa bandang malate, iced tea lang naman at cheese sticks pero masaya na o kaya minsan isang San Mig Light pwede na. Sound trip sa tugtog ng live band. minsan naman nood ng sine o food trip o gala lang talaga—malling lang kahit walang bibilin. may time pa noon naglalakad kami sa Glorietta at napadaan kami sa isang appliance center, may remote control pa noon ang mga bagong labas na cell phone, pinakialaman namin ang nagpeplay na vcd sa display—inistop yata nung kasama ko hehe.

    ang saya diba kung babalikan ang mga alaala na ganito. sobrang bihira na lang kami magkitakita ng mga taong kasama ko sa mga panahong binanggit ko sa mga kwento kong ito kahit man lang sa facebook di kami magkatagpo kasi katulad ko bihira na lang ako makapag facebook at di pako nagoonline doon. hey friends miss ko na kayo sana one time or another magkaron tayo ng chance na magkabangga o magkita :) kung nakakarelate ka at isa ka sa mga binabanggit ko sa kwento ko dito, sabihin mo sa akin okay, dati pa din ang email ko, meron ako twitter o kaya naman facebook…

  • Notes For This Post:

    1. jackiebaluca posted this


Comments



blog comments powered by Disqus