warning: may contain words na pwedeng hindi mo magustuhan. this was a previous post from my multiply account dated February 6, 2010.
Would you rather save a tooth that’s causing you pain or have it extracted? Nito lang martes ng madaling araw, akala ko hindi nako makakatulog ng dahil sa sobrang sakit ng aking ngipin—halos kalahati ng ulo ko masakit. 2am na at kakatulog lang ni mia ng naisip ko na gusto ko ng matulog pero nakahiga nako eh di pa din ako makatulog dahil unti unting tumitindi ang sakit ng ngipin ko. Bumangon ako at pinilit kong iignore ang nangyayari, kinuha ko ang laptop na hiniram ko sa kapatid ko at sinubukang kumonek sa internet, malas ko nga lang at mukhang tinanggal na ang saksak ng router at modem sa kabilang bahay kaya ayun di nako nakapaginternet kaya nagbukas na lang ako ng spider solitaire at naglaro ng ilang beses. Sinubukan ko ulit humiga pero lalo lang sumasakit ang pakiramdam ko. Bumangon ako, naisip ko pumunta sana kina nanay para magtanong kung may mefenamic acid sila kaso nga madaling araw na at baka tulog na sila so naghanap na lang ako ng gamot sa ibabaw ng ref—nakakita ako ng biogesic, pwede na ‘to tapos ininom ko. Kumuha na din ako ng ice cubes sa freezer at hinatihati ko sila sa maliliit na parang candy. Isaisa ko kinendi yung mga maliliit na yelo nakatulong sya di ko nararamdaman ang sakit, hay naku ayun kapag natunaw na ang yelo, balik ulit at lalo pa yatang sumasakit. Kaya kumuha ako ng resealable bag at nilagyan ng ilang pirasong yelo at nilagay sa pisngi ko, nakatulog din ako.
Kinabukasan, nakabihis nako at nakaready para pumasok sa office ng naisip ko na lang na “what if paguwi ko mamayang gabi, sumakit ulit ng kagaya ng nakaraang gabi? di na naman ako makakatulog… at sa mga susunod na araw…” so kahit biglaan nagdesisyon ako na pumunta kay nanay at tinanong ko kung pwede kayang pumunta sa dating dentista namin at ayun sinubukan nyang tawagan sa bahay pero walang sumasagot kaya tinext na lang ni nanay at sumagot naman si doktora at nasa clinic daw sya hihintayin daw kami. Sumama na din sakin si nanay dahil may ipapapasta pa sya na ngipin na di napagawa nung last time na pumunta sya. nagleave tuloy ako sa office, di kasi ako sure kung bubunutan ako ng ngipin o kung anuman ang gagawin sakin.
Pagdating sa clinic, pinauna ko na si nanay dahil akala ko mabilis lang naman matatapos pero inabot din ng ilang oras hanggang oras na para ako naman, tiningnan ni doktora ang ngipin ko na sumasakit. Wala daw syang makitang mali sa pagtingin lang sa labas kaya ayun inexray yung ngipin ko na sumasakit at nakita nya na yung pasta na nakalagay sa ngipin ay tumatama na sa nerves na syang dahilan ng matinding pagsakit ng halos kalahati ng ulo ko.
Binigyan ako ng dalawang options: bunutin ang ngipin o i-root canal para di na sumakit. Nakita ko din yung negative ng xray at kahit ako alam ko sa image na nakita ko na buo pa talaga ang ngipin ko na sumasakit ang naging problema lang talaga ay yung pasta na nilagay sa butas na naisave namin noon sa pagkasira eh nadidiinan na lang ang nerve ng ngipin na nasa bandang gitna. Pinagisip muna nya ako pero bago yun binigyan ako ng temporary relief, tinanggal yung permanent pasta at nilagyan ng temporary pasta na sobrang lambot pagkagargle ko natanggal hehehe kaya nilagyan ulit at sinabihan ako na di pa tuyo ang pasta. Medyo nawala ang sakit dahil wala na yung pressure sa nerve nung matanggal yung permanent pasta. Umuwi muna kami at iinform ko na lang daw si doktora kung ano ang desisyon ko. Kapag daw sumakit pa ang ngipin ko sa gabi tanggalin ko lang daw ng toothpick yung temporary pasta at ganun nga pagkatanggal ko nawala na naman ang sakit pero di naman pwedeng habambuhay eh nakaopen ang ngipin ko ng ganun na lang diba.
Ikaw, anong gagawin mo sa ganitong sitwasyon? Isesave mo ba ang ngipin mo na alam mong buo pa at sumasakit lang ng dahil sa konting butas at sa pastang nakapasak dito? Sa paanong paraan? Kung bubunutin ang ngipin (eto yung murang paraan), pagkabunot mawawala nga ang sakit ng ngipin pero wala na din ang ngipin at di kalaunan eh kailangan palitan ng false tooth o pustiso (kelangan daw malagyan ng pustiso dahil nawawala ang balanse sa bibig at mapepressure ang ibang parte ng bibig at maaaring magsuffer ang ibang ngipin pag di ito pinalitan) at pagkatapos ng bunot at mawala ang anesthesia syempre mararamdaman mo pa din ang sakit. Kung root canal naman ang solusyon na pipiliin (eto yung mahal na paraan), habang ginagawa ang procedure may nakalagay na anesthesia, makakaramdam ng konting sakit sa pagtanggal sa mga nerves sa loob ng ngipin (buhay pa kasi ang mga nerves, according kay doktora wala kang mararamdamang sakit pagextract ng nerves kung bulok na ito) pero pag nagwear out na ang anesthesia wala ng sakit na mararamdaman, at pagkatapos sasarahan na ulit ang butas ng ngipin buo na ulit ito un nga lang mahal talaga, bulsa naman ang masakit hehehe…
Ako, pinili ko pa din maisave kahit pano yung ngipin at nagparoot canal ako kahit medyo mahal, halos ganun din ang magagastos ko kapag nagpabunot ako at nagpapustiso afterwards dahil bagang ang pinaguusapang ngipin di biro ang halaga dahil di lang isang ngipin ang involved pagdating sa paglalagay ng pustiso, permanent man o de-tanggal, sa tingin ko mahal pa din ang kalalabasan. Yun ang pananaw ko at ang desisyon ko, e ikaw?
edit [May 29, 2010]: currently, wala akong nararamdamang sakit dun sa ni-root canal and that’s good.
thanks to Dra. Virgie de Vera, our family dentist. her clinic is just at the back of Philippine Heart Center / near Quezon City Hall. to those who are interested to avail of her dental services, you can email me at jackie_baluca@yahoo.com for her contact details.
originally posted (May 29, 2010)