medyo mahaba ang entry na ito… para lang sa mga interesado at may tyagang magbasa. thanks!
march 08, 2009. Sunday. i purchased a pair of pink slippers from banana peel in trinoma to replace my old pair.
march 09, 2009. Monday. it was my scheduled weekly checkup with my OB-GYNE since i’m already on my 38th week, i think. i wore the new pair of pink slippers. day off ko sa work nun. kasama ko noon ang youngest sister ko na si jona na nagkataon na naka day off din. first time nya ako nasamahan pagpapacheckup since magbuntis ako. pag di kasi ang nanay ko ang kasama ko minsan ang husband ko na si ipe ang sumasama sakin. medyo umulan pa yata nun habang naglalakad kami papuntang hospital kung saan nagkiclinic yung doctor ko. third floor ang clinic and walang elevator, so lakad kami which is good naman daw for me kasi nga anytime pwede na din daw ako manganak… pagdating namin sa clinic, siguro mga around 4 ng hapon yun, sinabihan kami ng secretary ni doktora na si ate fe na pumunta sa ultrasound room kung saan minsan nagkiclinic din ang doctor ko. lakad na naman kami papunta sa kabilang dulo ng building sa fourth floor naman. pagdating namin dun may pasyente pa so naupo muna kami sa mga bakanteng upuan sa waiting area at since walang ibang tao, todo picture taking kaming magkapatid pati mga paa namin may picture din since pareho kaming bagong bili ang slippers :) yun nga lang pink banana peel sakin, kay jona naman eh brown havaianas lang naman :)
at around almost 5pm, tinawag na ako para macheckup, sinama ko na si jona sa loob ng clinic / ultrasound room since medyo close na naman kami pati nung secretary na si ate teri. konting chika then pinahiga nako para maultrasound ni doc, then nung inuultrasound nako biglang sabi ni doc konti na lang daw ang tubig ko ang narinig ko lang sa sinabi ni doc basta may “oligo” sa mga sinabi nya (oligohydramnius yata term dun, correct me if im wrong po) then ang sabi sakin kelangan na daw ako iadmit… parang nabother ako kasi medyo nataranta na si doc agad sabi sa secretary nya for admit na daw ako… ako naman ok sige admit!
pagtayo ko after akong iultrasound inabutan na ako agad ng hospital gown at sinabihan ako na magpalit na ng damit then pinapasok nako sa labor room. wala akong kahit anong gamit na nadala sa loob binilin ko na lang kay jona kahit pati cellphone ko diko nadala. parang sinabihan ko yata sya na bahala na sya maginform sa lahat ng dapat makaalam. diko na alam kung ano pang nangyari sa labas after nun pero nalaman ko na lang na nung time na yun pala eh nataranta na din si jona syempre tinext nya si ipe (ang asawa ko) pati sila nanay at diko na alam kung sino pa mga natext nya nun. sya na din ang nagfillup ng admission slip para sakin at ang kwento sakin nanginginig daw sya habang nagsusulat noon.
[disclaimer: di ako sure kung ang pagkakasunud sunod ng procedures na ginawa sakin na ikukwento ko dito eh tama pa since 11 months na ang nakalipas mula noon basta ang tanda ko may pagka-hyper ako nun]
pagpasok ko sa loob ng labor room merong isang babaeng mukhang kapapanganak pa lang kasi mukhang medyo tulog pa sya nun (parang may ginagawa yata sa recovery room kaya yung labor room naging instant recovery room na din)… ayun nilapitan nako ng mga nurse at bibigyan na daw ako ng gamot (i think eto yung pampahilab) thru dextrose… ang sabi ko sa nurse bago ako mainsertan ng needle “masakit ba yan? kasi sa pagkakatanda ko mula nung baby pa ako, ngayon lang ulit ako malalagyan ng ganyan” then yun nilakasan ko ang loob ko buti diko naman masyado naramdaman na masakit, so i guess, keri lang pagpapalagay ng needle for dextrose. tapos may time na may lalapit sa akin na nurse at nagtest sakin ng gamot sa skin ko (skin test) para malaman kung may allergic reaction ako sa gamot na ibibigay nila sakin and buti na lang wala naman akong allergic reaction dun sa gamot. sobrang daldal ko nun bawat dumating na nurse basta may tanong ako sa kanila. binigyan ako ng enema. after a few minutes, umepekto na. tapos siguro mga around 7pm nilagyan nila ako nung parang belt na nagmomonitor ng heart beat ng baby (fetal heart monitor yata ang tawag dun). tapos yung doctor ko minsan pinupuntahan ako at tinitingnan ang lagay ko pati yung resident doctor nagpunta na din para kumustahin ako… sa tingin ko naman sa sarili ko okay na okay pa naman ako… at madalas tinatanong nila ako kung sumasakit na daw ang contractions ko… ang kaso sa pakiramdam ko mahina pa ang contractions at di pa ganun kasakit so minonitor pa nila ako. diko alam kung anong oras ito pero pinuntahan ako ng doc ko and sinabi sakin na nasa labas na daw ang asawa ko at kung gusto ko daw syang makausap sabi ko sige po. ayun nagusap kami ni ipe ang sabi ko okay naman ako at wag sya magalala sinabihan ko din sya na “kahit anong mangyari basta okay lang kami at since sinabihan na din ako ni doc at medyo naramdaman ko na din na may possibility na ma-caesarian ako eh wag sya magalala. sobrang lakas ng loob ko nun. tapos nanay ko naman ang dumating at pumasok para kausapin ako (sa totoo lang daw bawal daw magpapasok ng kahit sinong mga kamag-anak sa loob ng room na yun pero dahil na rin siguro gusto ni doc na lumakas ang loob ko, pinayagan na din sila) ayun, nung nakausap ko ang nanay at asawa ko mas mukha pa silang kabado at takot kesa sa akin samantalang ako parang wala lang at nakikipagdaldalan pa sa mga nurse at doctor nakakatawa pa ako nung time na yun minsan din nakikinig sa mga kwentuhan nung mga doktor at nurses na nasa loob ng room. may time pa nga na may mga nakapalibot sakin na mga student nurses yata yun sila kumukuha ng blood pressure ko, temperature, etc.
nung time na yung suot ko pa yung wedding ring ko, ang sabi sakin nung nurse kelangan ko din daw tanggalin and since nasa tabi ko pa din yung mga damit ko nilagay na lang nya sa plastic kasama nung wedding ring ko at ibibigay na lang daw nya sa kapatid ko…
medyo sumasakit na nga din yung contractions pero para sakin di pa rin sya matatawag na ganun katindi, minonitor pa nga ako nung isang nurse na napilitan yata magdouble shift dahil sa akin hehehe pero thanks din sa kanya may nakakwentuhan ako nung time na yun… finifeel nya kung gano katigas yung tyan ko everytime na nagcocontract ako and ang sabi nya sakin may levels daw ng tigas para malaman kung strong na talaga yung contractions. ang tingin nya nasa strong na yung contractions ko kasi sing-tigas na daw ng forehead ng adult ang tyan ko pag nagcocontract ako pero nung tinanong nya ako with a scale of 1-10, 10 being the strongest, ganong pain na daw ang nararamdaman ko, ang sagot ko that time… 3 yata tapos sinabi ko kasi medyo mataas yata yung pain threshold ko kaya ganun.
from time to time tinitingnan nila doc kung gano na kadilated yung cervix ko and di talaga sya ganun masyado nagpoprogress… kaya may time na kinailangan na i-pop ni doc yung water bag ko daw (basta yun ang pagkakatanda ko) then may tiningnan sila dun sa liquid na lumabas, diko na tanda yung mga sinabi nila dun…
mga around 8-10 pm di na umalis sa room yung OB ko at yung resident doctor minomonitor na nila ako then nung time na yun ang sabi bumababa yung heart beat ng baby tuwing nagkocontract ako so nagdecide si doc na i-CS na ako kasi mahihirapan daw ang baby pag pinilit kong umire. tatanungin pa daw nya sana ako kung anong gusto kong date kung 9 or 10 ang kaso dahil halos wala na nga daw akong tubig wala na din akong choice. eto na yung tinatawag na fetal distress kaya emergency matuturing yung pagka-caesarian section ko. past 10 na nun at ililipat na daw ako sa delivery room… nung mga oras na yun actually from the time na naadmit ako nagdadasal na din talaga ako nun kaya sobrang lakas din ng loob ko. pagdating sa delivery room, naiprep na ako at buti ang isa sa mga nakaduty na nurse eh kakilala din ng tita ko, si ate jean kaya panatag din ang loob ko. tapos nilagyan ako ng epidural at ilang seconds lang wala nakong pakiramdam, nalalaglag na nga yung binti ko sa operating table buti nakita nung isang nurse.
eto na, pumasok na sina doc, may nakalagay na na oxygen mask sakin, okay pa din ako at nagdadasal na sana maayos kaming mag-ina, nakita ko yung isang lalaking nurse dala yung camera ng kapatid ko at sya na ang kumukuha diko naman makita yung mismong mga ginagawa sakin kasi may nakatakip / nakaharang na tela sa mukha ko. at kahit sa bintana ako tumingin (may tint kasi) di ko pa din makita kasi nakaharang naman sila doc. gusto ko pa naman sana makita yung ginagawa nila kasi parang eto yung napapanood ko sa grey’s anatomy (medyo nahook kasi ako sa panonood ng grey’s anatomy at smallville nung buntis pako hehehe). and take note yung buong procedure, gising ako nun kasi gusto ko nga makita sana kaso di ko nagawa. ayun narinig ko na lang sinabi ni doc baby out tapos yun mula nun iyak na ng iyak si mia, nilinis na sya and all the procedures na kelangan gawin sa kanya tapos dinala sya sa tabi ko and dahil di pa tapos sina doc sa pagtatahi sakin nung mga oras na yun dinikit lang sa pisngi ko yung mukha ni mia at ang init ang saya ko nun—kamukha ko sya! tapos natatandaan ko na lang after makalabas ni mia may time na nahirapan nako makahinga at ang sabi ko kay doc anesthesiologist na kalapit ko at nagmomonitor ng blood pressure ko eh di ako makahinga ang sabi naman nya sa akin “sige tutulungan kita”… ayun tinganggal na yung oxygen mask sa mukha ko at minanual na ni doc yung pagtulong sa paghinga ko na sa palagay ko e napakalaking tulong nung mga panahong yun.
march 10, 2009. mga past 12am na. natapos ang procedure… ilang beses kong narinig na paulit ulit na nagbibilang sila ng mga gamit (standard procedure pala yun sabi ng tita ko) tapos yun dinala ulit ako sa labor / recovery room and take note gising na gising pa din ako… ang sabi sakin nung mga nurse magpahinga daw ako at subukan kong matulog ang kaso kahit ipikit ko ang mga mata ko di naman ako antukin tapos sa sobrang tahimik ng paligid naririnig ko lang yung pulse monitor na tumutunog. hinintay nila na medyo mawala na yung effect ng anesthesia around mga 4 or 5am na yata nilipat nako sa OB ward, nakaabang ang nanay ko sa waiting area paglabas ng delivery suite. pagdating ko sa ward may ilang kama dun siguro mga 5 yata yun nakita ko si ipe nakahiga sa isa sa mga kama hehehe antok na silang mga naghihintay sa akin ako gising na gising pa din. dalawa lang kaming nanganak sa ward na yun kaya swerte yung mga bantay ko meron silang pahingahan at may extra kaming lagayan ng gamit.
di pa din ako inaantok pero sabi ng nanay ko magpahinga muna daw ako, every 30 minutes naman yata o 1 hour kahit nakatulog ako ng konti nagigising din ako kasi minomonitor pa din nila ako. hiningi ko nga yung cellphone ko ayaw pa ipabigay ng nanay ko. then mga around 7 or 8am yata nung nahawakan ko na yung cellphone ko nagkaron ako ng chance na itext ang mga officemates at friends ko to inform them na nanganak nako. hiniram ko din yung camera dahil alam kong may mga kuha ni mia doon since di pako makabangon para mapuntahan sya sa nursery. sa totoo lang ginamit ko talaga ang zoom ng camera just to check kung kumpleto ang mga daliri ni mia sa mga kamay at paa and salamat naman at ayos sya at sobrang ganda nya nun. enjoy na enjoy nga ang mga bantay ko nung viewing hours na dahil nakita nila si mia sa nursery kahit tanaw lang muna masaya na sila.
diko agad napuntahan si mia sa nursery kasi medyo natakot pa ako na kumilos masyado nun dahil sa tahi ko hehehe pero nagnormalize naman yata ako agad so after a day napuntahan ko na din si mia at nahawakan na kami lang talagang dalawa hehehe di pa nga lang sya mairoom in nung time na yun dahil may antibiotic na binibigay sa kanya dahil under observation pa sya nung time na yun for UTI kasi nagkaron ako ng UTI a week before ako nanganak thankful naman kami kay GOD kasi di naman sya nahawa sakin pero tinapos pa din yung prescription ng antibiotic kaya naiwan pa si mia sa nursery nung umuwi kami sa bahay.
so nasaan na yung pink slippers ngayon? nung pagkapanganak ko syempre nagamit ko sya araw araw hanggang matapos ko ang maternity leave ko kinailangan ko na nga lang din itong palitan ng iba naman ngayon dahil sa pagkakagamit ko sa kanya palagi, medyo natanas na din and it already served its purpose, my maternity slippers :) thank you.
originally posted (May 22, 2010)