nung papunta pa lang ako sa office kahapon, pagsakay ko sa bus may ibang kaba akong naramdaman… buti na lang pala at nauna akong nakasakay at nakapasok sa loob ng bus, nakahanap din ako agad ng upuan na di ko na kailangan na sumiksik pa para makaupo sa tabi ng bintana… umupo na lang ako agad sa tabi nung mama kahit sa tabi pa ng daanan at kahit medyo mataba yung mama.
pagkaupo ko, dun ko nakita na yung mga babaeng kasabay ko paghihintay ng bus sa kanto at sumakay din kasunod ko ay kasalukuyan na ginigitgit na nung mga kalalakihan na sadyang tumambay sa may pintuan ng bus at kunwari’y gentleman na nag offer ng kanilang upuan sa kanila. yung isang mama, may dalang backpack at take note, ang mga lalaking ito hindi mukhang mandurukot (looks can really be deceiving!), nakabihis pa sila na parang mag-aapply ng trabaho o parang may gimick sa kung saan—mga naka tshirt, naka maong pantalon, naka gel ang buhok, may nakatsinelas lang at may nakasapatos din. there were at least 5 - 7 of these guys, magkakasabwat pala sila!
balik tayo dun sa mga babae, nakita ko na lang na parang yung isang kamay nung isang lalaking naka-backpack ay umiislide sa bulsa nung isang babae, dun ako nakaramdam ng kaba o takot ba na matatawag yun. di ako nagpahalata, kinapa ko yung palibot ng bag ko kung may punit ba o laslas o zipper na bukas, wala naman so kahit pano narelieve ako. pero talagang may kaba pa din sa dibdib ko. yun pala yung lalaking halos katapat ko ng upuan, kasamahan din nung mga bad guys.
at sa tuwing may mga bagong sasakay ganun ang ginagawa nila nagpapalipat lipat sila ng pwesto—may haharang sa bandang pinto, may tatayo sa tabi ng upuan, may nakaupong tatayo at kunwari’y mabait na magbibigay ng upuan at may mga hahanap naman ng panibagong upuan. sabay sabay na nangyayari ang mga ito makikita mong parang nagkakagulo lalo sa bandang pintuan ng bus—e ang luwag naman nung bus hindi din naman punuan nung oras na yun.
narinig ko na lang din yung isang babae na nakita ko na parang kinukuhanan sa bulsa e nagtanong dun sa kasama nya: ‘te yung celphone mo? ayun hindi naman nawalan yung babaeng nakita ko kundi yung isang kasama din nila at nakalagay sa bulsa nya nung nawala (ayon sa babae motorola daw yung cel nya at buti na lang di sya nakapagpaload ng smart money bago nangyari yun, buti na lang din!) narinig ko lang ang mga ito nung naguusap usap na sila sa bandang likod ko dun kasi sila nakakita ng upuan na bakante. nalaman na din ng halos lahat ng sakay ng bus na may mga kasama kaming mga mandurukot—parang wala lang parang karaniwang kwentuhan lang nung mga tao kahit nadukutan lang sila at parang wala lang din dun sa mga mananamantala na pinaguusapan sila at patuloy pa din sa gawain nila.
sa totoo lang sa ilang minutong nasaksihan ko gusto sanang sumigaw at humingi ng saklolo na may mga taong mapagsamantala sa bus na iyon ang problema di sila nagiisa kundi halos pito sila at katapatan ko pa yung isa, so pano na lang ang mangyayari sakin kung papalag na lang ako ng ganun? malay ko ba kung may dalang mga patalim yung mga lalaking yun at saksakin na lang ako ng walang kalaban laban.
kayo, anong gagawin nyo sa ganung sitwasyon?
sa mga mananakay ng bus kahit saang lugar sa Pilipinas, magiingat po tayong lahat! sa mga panahon ngayon, para sa mga taong katulad nila ganun na lang kadali makapanamantala sa mga taong nagsusumikap para kumita ng ikabubuhay ganun lang din kadali para sa kanila na kumita ng pera. si God na ang bahala sa kanila basta magingat na lang po tayo at maging mapagmatyag.
edit: kanina nung nagaabang ulit ako ng bus sa kanto ilang bus yung pinalampas ko. medyo nagka-phobia yata ako lalo na’t may mga lalaking may backpack at wala na mga nakatayo sa may estribo or kahit sa taas mismo ng pinto ng bus pero maluwag naman sa bandang unahan at hulihan kaya ayun maka limang bus yata bago ako nagdecide na sumakay. wala lang, just being careful this time.
originally posted (May 14, 2010)